Gaganap si Ken Chan bilang ka-love triangle ng tambalang Jake Vargas at Bea Binene sa GMA-7 early primetime series na Home Sweet Home. Aware naman daw si Ken na off-limits siya kay Bea dahil para sa fans nito ay si Jake lang ang lalaki para sa dalaga.
Sa muling pagtatambal nina Jake Vargas at Bea Binene sa nalalapit nang ipalabas na early primetime series ng GMA-7, ang Home Sweet Home, may bago silang ka-love triangle sa katauhan ng Kapuso teen actor na si Ken Chan.
Nakatrabaho na noon nina Jake at Bea si Ken sa youth-oriented series na Reel Love Present Tween Hearts. Kasama naman ni Ken si Jake bilang isa sa mga teen host ng Walang Tulugan With The Master Showman.
Natuwa si Ken nang siya ang mapiling maka-love triangle ng JaBea
loveteam. Pero nandoon din daw ang kaba dahil alam niyang maraming fans
ang JaBea at baka may magalit sa kanyang mga fans.
Sabi ni Ken, “Proven na po kasi ang team-up nila Jake at Bea. Kita n’yo naman na solid ang fans nila.
“Sa studio nga ng Walang Tulugan, parati silang nandoon at sumusuporta kay Jake.
“Excited ako na makatrabaho silang dalawa, pero at the same, kabado
ako kasi nga nandiyan ang mga fans nila at ayokong magalit sila sa
akin.”
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ken sa taping ng Walang Tulugan with the Master Showman sa GMA Annex Studio.
Si Ken ang pangatlong tween actor na itinambal kay Bea bukod kay Jake. Una ay si Kristoffer Martin sa Luna Blanca at pangalawa si Alden Richards sa Indio.
Sabi ni Ken, “In fairness naman sa mga fans ng JaBea, kung sino naman ang i-partner kay Bea, nandoon ang suporta nila.
“Alam naman nila kasi na si Jake pa rin ang forever na ka-loveteam ni Bea.
“Kami ay nakiki-loveteam lang naman.
“Tsaka magkakaibigan naman kaming lahat. Trabaho namin ito at gusto
nga namin ay maging maayos ang working relationship naming tatlo.”
May rule nga raw na bawal pormahan si Bea ng ibang lalaki dahil para lang daw ito kay Jake.
“Opo naman. Hindi ka puwedeng sumaway sa batas na ‘yan!” sabay tawa ni Ken.
“Tsaka kami nga po ni Jake, matagal na kaming magkaibigan niyan.
“May usapang-lalaki kaming dalawa.
“Magkasama kami sa iisang show kaya respetuhan lang, di ba?”
Huling napanood si Ken sa afternoon series na Yesterday’s Bride.
Bago ito ay nakasama na siya sa mga teleserye na Biritera at Time of My Life.
Nakasama rin siya sa mga pelikulang Just One Summer, My Kontrabida Girl, at Tween Academy: Class of 2012.
Sabi ni Ken, “Masaya naman po ako sa itinatakbo ng career natin.
“Hindi naman po tayo nagmamadali at ini-enjoy ko lang ang masayang pakikipagtrabaho sa maraming tao.
“Yun naman ang pangaral ng parents ko sa akin. Maging seryoso ako sa
mga pinapasok ko pero, at the same time, mag-enjoy ako sa ginagawa ko.
“Very thankful ako na nakasama ako sa Home Sweet Home.”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento